Yugto Competitive Intelligence|Ad Analysis by SocialPeta
Competitive intelligence is the first step in our marketing intelligence work and one of the most important parts. Only when we understand the details of our competitors can we formulate a correct and effective marketing strategy.
In this report, SocialPeta analyzes the Yugto's ad analysis from multiple aspects and helps you see the competitive intelligence of top grossing apps Yugto.
Now, I'll tell you how to gain a competitive advantage by SocialPeta.
1. Basic Information of Yugto
App Name : Yugto
Logo:
OS : Android
Network : Facebook,Audience Network,Instagram
Developer : Dreame Media
Publisher : Instagram,Facebook,Drinking Games XXL!,Woman Bikini Photo Montage,UFO Lander: flying saucer simulator-explore cosmos,Sven Sniper
Total creative ads during the time period : 10,000
Duration : 102
Popularity : 884,019
Check ASO Keywords of Yugto
2. Yugto’s Competitive Intelligence
what is competitive intelligence? Competitive intelligence is the most important part of our marketing. Only when we fully understand the overall situation of our competitors and the market can we make accurate judgments.
Before advertising, we usually use various tools, such as SocialPeta, to check the details of competitors' ads. In this report, we will analyze the recent advertising performance of advertiser Yugto in detail to understand its advertising strategy.
Trend of Category
There are many types of creatives. We mainly analyze the trend of the ad creative category of Yugto in the recent period. As of 2021-03-15, among the Yugto‘s ad creative, the Html category's proportion is 0.0%, Video category's proportion is 56.12%, Playable Ads category's proportion is 0.0%, Image category's proportion is 43.88%, Carousel category's proportion is 0.0%.
Ad Network Analysis
The network that SocialPeta monitors can cover almost all mainstream channels in the world. Understanding the competitor's advertising channels is the first step in marketing work. According to the analysis of SocialPeta, we can see that in the date of 2021-03-15, Yugto's the proportion of networks impressions are placed like this:
Facebook's proportion is 25.25%,
Instagram's proportion is 24.96%,
Messenger's proportion is 24.93%,
Audience Network's proportion is 24.86%,
's proportion is .
In the date of 2021-03-15, Yugto‘s network with the most ads is Facebook and its proportion is 30.08%.
3. Top 3 Ad Creative Analysis of Yugto
This is the detailed information of the top three ad creatives with the best performance among all ad creatives of Yugto. We can see some advertising trends.
Top 1 Ad Creative of Yugto
Ad Details :
Headline :Mag-click upang mabasa sa 👉
Text :My Se---xy Nerd Secretary "Did you inform my new secretary about my schedule?" "Yes, Sir." "Then, where the heck is she?!" iritableng tanong niya sa isa sa mga empleyadong inatasan niyang mag-orient sa bagong secretary. "Sir, hindi ko po alam" Nakayukong sagot nito. Kahit hindi niya kita ang mukha nito ay alam niyang takot na takot na ito. Mas lalong kumunot ang noo niya ng makita ang bago niyang secretary na humahangos papunta sa kinaroroonan niya. Nagkanda hulog hulog pa ang bag nito. Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa. Mula sa suot nitong sandals hanggang sa paldang suot nito na mukhang panahon pa ng nineteen Kopong-Kopong. At ang makapal nitong salamin. Muntik na siyang mapangiwi pero pinigilan niya ang sarili. "This is your first day and you're freaking late!" "Sorry po," nakayukong sabi nito "I don't want this to happen again. Understood, Ms. Del Castillo?" "Yes, sir" "Let's go. Follow me." At nagsimula na siyang maglakad. Si Lara naman ay ‘di magkandaugaga kung ano ang uunahin. Ang mga papel na hawak niya o ang sandals niyang nasira. Bakit ba kasi ngayon siya minalas ngayong unang araw niya sa trabaho? "I need you to write and document all the things we are going to discuss with the Cornejo's," Seryosong sabi nito sa kanya Tumango lamang siya sa bagong boss. Talaga palang napakagwapo nito sa personal at talagang magnet ng mga babae. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya ang napili bilang bagong secretary nito. Dahil lahat ng kasabayan niya sa pag aapply ay magaganda at ‘di hamak na nakakaakit.. Siya nga pala si Lara Del Castillo. 23 years old. Wala na siyang mga magulang pero meron siyang dalawang maliliit na kapatid. Hindi niya ito tunay na kadugo pero itinuring niya na itong pamilya dahil maaga siyang naulila. Iniwan niya muna ang mga ito sa pangangalaga ng matalik niyang kaibigang si Samuel. "Ms. Del Castillo?!" "Uhm s…sir?" Kanda utal utal na sabi niya. "Do you want to go back to sleep and continue dreaming?!" iritableng tanong nito sa kanya. "Sorry po, sir. Hindi na po mauulit," nakayuko na namang sabi niya. "Is this the consequences of hiring a woman like you? If I have known about you, kumuha na lang sana ako ng iba! This is your first day pero andami mo nang kapalpakan!" Gusto niyang umiyak. Ganoon ba talaga ito sa mga empleyado nito? "Sir, Mr. Cornejo is waiting for you," sabi ng babaeng lumapit sa boss niya Nagulat siya nang pumasok sila sa loob. Akala niya may-edad na ang ka-meeting nila pero isa din pala itong Adonis. Matangkad, matipuno at nakangiti. Kabaligtaran ng amo niyang laging nakasimangot. "Good morning, Mr. Monterde" "Good morning, Mr. Cornejo." At nagkamayan ang mga ito. Napatingin ito sa kanya. Agad naman siyang ipinakilala ng boss niya. "This is Ms. Del Castillo, my new secretary." "Everytime you go here, iba ang dala mong secretary. I hope na magtagal na si Ms. Del Castillo sa ‘yo," nakangiting baling sa kanya nito. "Let’s start the meeting if you don't mind," walang pakialam na sabi ng boss niya. Halos tumagal ng isang oras ang meeting. Wala siyang ginawa kundi makinig at magsulat. "Okay so I think we are all set now," sabi ni Mr. Cornejo at tumayo na ito. Kasabay din niya ang pagtayo nilang dalawa ng boss niya. "I'll just inform you the details afterwards. Thank you," sabi ng boss niya at nakipagkamay Pagkatapos ay kinamayan din siya ni Mr. Cornejo. Naunang naglakad ang boss niya at nahuli siya. Hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay napatid siya dahil sira nga pala ang sandals niya. Maagap siyang nahawakan sa bewang ni Mr. Cornejo at napakapit siya sa batok nito. Nagkatitigan muna sila sandali bago siya nito binitawan. "Sorry po. Sorry talaga" hindi magkanda tuto na sabi niya. Hiyang-hiya siya at pulang pula ang mukha sa hiya. Ngumisi lang si Mr. Cornejo. Agad siyang nilapitan ng boss niya. "What happened?" Halos magsalubong ang dalawang kilay na tanong nito sa kanya. "I think she needs a new footwear" At tumingin ito sa paa niya. "I'm sorry, Mr. Cornejo. I will handle this," sabi ng boss niya at dali dali siyang hinila nito hanggang sa may parking lot. Wala itong pakialam kahit na magkandaugaga siya sa paglalakad dahil sa sirang sandals. "What are you doing?! Do you love your job? Because I can fire you here, right now!" Galit na galit na sabi nito sa kanya. "You’re a piece of work!" At sinipa pa nito ang gulong ng kotse Siya ay nakayuko lamang at nagsisimula ng umiyak. "Napakahalagang kliyente ni Mr. Cornejo!" Galit na sabi nito at ng mapatingin sa kanya ay napakunot ang noo. "Don't cry like a baby! For the last time, one more mistake and you are fired!" At pabalibag nitong isinara ang pinto ng kotse pagkapasok. Chapter 2 Nang akmang sasakay na siya, bigla nitong pinaharurot ang kotse at iniwan siya sa parking lot mag-isa. Awang-awa siya sa sarili habang naglalakad ng naka paa habang naghahanap ng masasakyang taxi. Kailangan niyang bumalik ng opisina. Para siyang isang palaboy sa kalsada. May iilan na tumitingin sa kanya pero binalewala niya lang ito. Makaraan ang halos isang oras ay nakarating na din siya ng kompanya. Lahat ng empleyado ay nakatingin sa kanya. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin sa kanya habang naglalakad ng nakapaa. Nang makarating ng 5th floor ay halos mapabuntong hininga siya ng malakas. Pagdating sa table niya ay may nakita siyang isang box. Nang akmang bubuksan niya na ito, nagulat siya ng biglang may magsalita mula sa likuran. "Where have you been?" galit na sabi nito. "Uhm, e, kasi po, sir, nahirapan po akong maghanap ng taxi," nakayukong sabi niya habang nakatingin sa marumi niyang mga paa. Napansin niyang napatingin din ito doon at lumambot ang itsura ng mukha nito. "I don't care. By the way, I want to be alone. No calls, no visitors." At pumasok na ito ng opisina nito pagkatapos isara ng malakas ang pinto. Nang tignan niya ang laman ng box, isang bagong pares ng sandals. Napangiti siya nang hawakan niya ito. Mukhang mamahalin. Para ba ito sa kanya? May tinatago din naman palang kabaitan ang boss niya. Matapos ayusin ang schedule ng kanyang boss, saka naman siya nakaramdam ng gutom. Alas tres na pala ng hapon at hindi pa siya nagtatanghalian. Agad niyang hinanap ang canteen ng kompanya. Nang makita ang presyo ng pagkain ay nagulat siya. Pinakamababang presyo na ang 150 pesos. 500 na lang ang natitirang pera sa wallet niya napagastos pa siya kanina dahil sa pagtataxi niya. Agad siyang napabuntong hininga. Bumili nalang siya ng cup noodles sa halagang 30 pesos. Sa table niya na lang ito kakainin. Habang hinihintay lumambot ang noodles nag-text sa kanya si samuel. Ang bestfriend niya. Kinakamusta siya nito. Habang kumakain ng noodles ay nahimasmasan ang kumakalam niyang sikmura. Kailangan niya munang magtiis. Dahil magbabayad pa siya ng renta ng maliit na kwartong inupahan niya. At magpapadala pa sa mga kapatid niya sa darating niyang unang sweldo. Kahit ayaw ni samuel ay nahihiya naman na siya dito dahil napakalaking abala na ito sa kanya. "Is that all you have for lunch?" Halos mapatalon siya sa gulat. Bakit ba ang hilig nitong sumulpot nalang bigla? "Ah yes sir, nagda-diet po kasi ako" Hehehe nahihiyang sabi niya "You're too skinny. Ayoko nang lampang secretary" At kinuha nito ang Iphone 11 pro max mula sa bulsa. "Bring us here two overloaded meal. ASAP." Nang ibaba ang cellphone, bumalik na rin ito ng opisina nito. Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder nitong pagkain. Agad siyang kumatok. "What?" iritableng sagot nito "Ah eh, sir, nandito na po ung pagkaing inorder niyo" "Come in." Nang maipatong ito sa dining table nito sa loob ng opisina ay akmang lalabas na siya ng magsalita ito. "Where are you going?" "Lalabas na po, sir." "Join me." "Po?" gulat na sabi niya. "I said, join me for lunch!" "Ay, tapos na po akong kumain, sir," Nahihiyang sabi niya rito. "Iniinis mo ba talaga ako, Miss Del Castillo?" naniningkit na mga matang sabi nito. "Sorry po, sir." At inilabas na niya sa paperbag ang mga pagkain at inayos. Pagkatapos ay umupo na silang dalawa. Habang kumakain ay napansin niyang napapatitig ito sa kanya at napapailing. "May kailangan po ba kayo, sir?" takang tanong niya rito. "No, I just wonder kung bakit ka ganyan ka-manang manamit?" Habang naiiling. Hindi siya nakaimik. Definitely not my type. Narinig pa niyang sabi nito. At agad siyang napayuko. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita ito. "If you're done, then you may leave." At bumalik na ito sa mesa nito Pagkatapos iligpit ang mga pinagkainan ay tumayo pa siya roon ng ilang minuto. Nang mag angat ng tingin ang boss niya ay nagulat siya "What?!" Iritang tanong nito "Ah eh sir gusto ko lang pong magpasa---" "Crop it, you may leave." Putol nito sa sasabihin niya. Dali dali siyang lumabas. Akala pa naman niya ay bigla ng bumait ang boss niya sa kanya. Pagbalik ng table niya, tinapos na niya lahat ng kailangang gawin. It's already 5pm ng lumabas ang boss niya mula opisina nito. Agad siyang tumayo. "Mag-iingat po kayo, sir." Ngiti niya rito. Pero inismiran lang siya nito. Tsk! Old Maid. Dinig na naman niyang sabi nito. Chapter 3 Kinabukasan. Maaga siyang nagising dahil kailangan niya pang mag-abang ng jeep at maglakad papasok sa trabaho. Isang mahabang palda ang suot niya na muntik ng umabot sa may sakong niya at isang long sleeve na close neck idagdag pa ang pabilog na salamin niya. Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep ay sanay na siya sa mga nang uuyam na tingin ng mga tao sa kanya. Halos paalis na ang isang jeep ng makarating siya at kahit na punong puno na ito ay pinilit parin niyang umupo. Ilang minuto na ang nakakalipas ng maramdaman niyang may kamay na humahaplos sa likuran niya. Nung una ay hindi niya lang ito pinansin pero ng maramdamang pinisil nito iyon ay nanlaki ang mga mata niya. Agad niyang kinuha ang payong na hawak niya at ipinukpok sa ulo ng lalaki. "Manyak! Bastos!" Sigaw niya rito "Hoy! Tigilan mo yan ano ka ba!" At sinasalag nito ang mga palo niya. Huminto ang jeep at bumaba ang driver. Pagkatapos ay bumaba rin siya at bumaba ang lalaki. "Bastos ka!" At pinagpapalo nanaman ito. "Hoy, Matrona! Hindi kita pagnanasaan no!" galit na sabi ng lalaki. "At gagawin mo pa akong sinungaling ha! Bastos ka! Walang modo!" "Ano, Miss, sa police station nalang kayo mag usap naabala na kasi ang pamamasada ko. Tatanghaliin ako ng biyahe" Singit ng driver habang napapakamot ng ulo Nang bigla siyang mapasinghap. Naku patay! Hindi siya pwedeng ma-late. "Ikaw" Duro niya sa lalaki. Pagkatapos ay nag-antanda ito. "Diyos na ang bahalang magparusa sa mga manyak na tulad mo." At sumakay na ulit siya ng jeep. 8:10am na. Lagot na naman siya nito alas 8 ng umaga ang pasok niya. Dahan dahan siyang naglakad papuntang mesa niya. Akmang uupo na siya ng biglang may magsalita. "You're freaking late for the second time around!" Galit na sabi ng boss niya. Agad siyang napatayo ng tuwid at lumapit dito. "Good morning po sir, pasensiya na po kayo may biglaan po kasing nangyari sa jeep ka--" "I don't care! You know what? You’re a piece of work! Puro kapalpakan na lang ba ang alam mo, Miss Del Castillo?" Putol nito sa sasabihin niya. Napayuko nalang siya at nagsimulang umiyak ng palihim. "Don't cry on me here!" sigaw nito. "Sorry po talaga, sir. Ang totoo po kasi niyan, may bastos na lalaking humipo sa ‘kin sa jeep kanina kaya na-late ako" Habang umiiyak "Really?" Ngisi nito Nagulat siya rito. Bakit ito ngumisi. Napakunot ang noo niya. "Ikaw? Hihipuan? Wala ka na bang maisip na ibang excuse? Yung kapani-paniwala?" At tumawa ito. Lalo siyang nanliit sa sarili. Ganoon na ba talaga siya kapangit para pagdudahan nito? "Okay, this is my final warning to you. But for now, pagbibigyan muna kita diyan sa ilusyon mo." At tumatawa itong bumalik ng opisina nito. Malungkot na bumalik na siya ng table niya. At nag focus nalang sa trabaho kahit ang totoo ay masama ang loob niya. Nang mga sumunod na araw, sinikap niyang hindi ma-late; kahit makipaghabulan pa siya sa mga jeep. Madalas pa rin siyang sungitan at sigawan ng boss niya pero pinagwawalang bahala na lang niya ito. Kailangan niya ang trabaho na ito para sa mga kapatid niyang naiwan sa probinsiya. "Uy Lara, pupunta ka ba?" tanong ni Janice sa kanya isa ding sekretarya sa kompanya may inihatid lang ito sa kanyang mga papeles. "Ah? Saan?" "Sa party ng mga Monterde. Birthday ni Sir Darwin sa Sabado. Taon-taon imbitado ang mga empleyado ng kumpanya. "Baka hindi nalang janice, hindi naman ako sanay sa mga party party na yan magpapahinga nalang ako" tanggi niya "Ikaw ang bahala pero masaya yun. Maraming naggwagwapuhan at mayayaman sa party na ‘yun," kinikilig na sabi nito. Naputol ang pag uusap nila ng tumunog ang intercom. "Come here, faster!" At pinatay na rin niya ito. "Sige, Janice. Tawag na ako ni boss" At iniwan na niya ito. Tumikhim muna siya bago kumatok "Come in!" "Yes, sir. Ano po’ng kailangan nila?" "Here!" At hinagis sa kanya ang isang gold envelop. "I want you to come. If not, you're fired! Please be in formal attire. Hindi ‘yan costume party understand?" inis na sabi nito sa kanya. Wala sa sariling napatango siya. "Leave!" "Sige po, sir." At dali dali na siyang lumabas. Pagkaupo ay agad niya itong binuksan. Invitation pala ito sa 30th Birthday ni Sir Darwin. Agad siyang napabuntong hininga. Sabado ng gabi. Hindi siya mapakali. Alas-sais na ng gabi. Alas sieste ang party. Wala siyang dress na maisusuot. Dahil sa totoo lang ay wala siyang pambili. Bahala na. Dali-dali siyang nagbihis at nagpunta sa address na nasa invitation. Halos mapanganga siya pagtapak sa gate ng lugar. Dinig na dinig na mula sa labas ang ingay ng musika sa loob. Papasok na sana siya ng harangan siya ng isang security. "Excuse me, Miss. This is a private party. Bawal po mag-solicit ngayon." "Ho?" Gulat na tanong niya. Agad siyang napatingin sa sarili. Isang mahabang itim na palda ang suot niya at tinernuhan ng puting white polo na nakasara hanggang leeg. Naka tuck in pa ito sa palda niya. "Bawal po kayo dito, miss." At hinawakan siya sa braso at hinihila papalayo sa gate. Chapter 4 "Teka lang po, kuya. Imbitado po ako dito sa party." Hila niya sa kamay niya "Miss, ‘wag mo na kaming lokohin. Manghihingi ka lang ng solicit sa mga mayayaman na tao sa loob." Ngisi sa kanya ng gwardiya "Pero kuya, imbitado talaga ako." "Asan ang invitation mo aber?" "Sandali lang" At hinanap niya ang invitation card sa bag niya pero hindi niya ito makita. "Oh ano miss? Akala ko ba invited ka?" Ngisi nito "Naiwan ko yata doon sa bahay." Kailangan niyang makapasok kung hindi baka masisante siya ng boss niya. "Naku, Miss. Lumang style na yan. Ang mabuti pa umuwi ka na." At bumalik na ito sa tabi ng gate at iniwan siya Umupo siya sa gilid ng kalsada ng subdivision. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano siya makakapasok sa party. Nang makitang may kausap sa phone ang security, bigla siyang tumakbo papasok. Isang hakbang nalang at makakapasok na siya ng makita siya ng security. "Hep hep! Ang kulit mo talaga!" At hinila siya paalis "Kuya, promise, saglit lang ako, kailangan lang akong makita ng boss ko kung hindi mawawalan ako ng trabaho. Promise, mabilis na mabilis lang." At parang nanunumpang itinaas niya pa ang kanyang isang kamay. "Wag---" Nabitin ang pagsasalit ng security ng may magsalita "What's going on?" Paglingon niya ay parang malalaglag ang kanyang panga, isang gwapong nilalang ang kanyang nakita. "Eh Sir Dave, eto po kasi napakakulit. Nagpupumilit pumasok. Wala naman siyang invitation card." Sagot ng security Agad napabaling sa kanya ang lalaki. "Ah eh, kailangan na kailangan ko lang po talagang makapasok sa loob kung hindi ay lagot ako sa boss ko." "Who's your boss?" "Si Sir Darwin po." Agad napangisi ang lalaki. "You are?" "I am Lara Del Castillo po. Sir Darwin Monterde's new secretary" "Really?" Ngiti nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay "So iba na pala ang taste niya ngayon?" Agad siyang napayuko. Nagulat siya ng bigla siya nitong hilain papasok ng party habang hawak ang isang kamay "Akong bahala sa ‘yo miss." Halos matulala siya ng makapasok sa loob. Para siyang nasa isang pelikula. Napakarangya ng party na iyon. "There." Sabi nito sabay turo sa boss niya at hinila nanaman siya nito papalapit dito. Sabay sabay napatigil sina Darwin at mga kausap nito ng huminto silang dalawa sa harap ng mga ito. Bumaba ang mga tingin ng mga ito sa mga kamay nila na tila magka-holding hands. Nang mapansin niya kung saan nakatingin ang mga ito ay dahan dahan niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at dahan dahang yumuko dahil narin sa hiya. "Hey there, Darwin. Happy Birthday, bro!" Bati ng lalaking katabi niya. "Thanks, but why are you with Miss Del Castillo?" Kunot noong tanong ng boss niya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakikita niya ang disgusto sa mukha nito. "Ah siya ba?" Sabay turo nito sa kanya. "Ayaw kasi siyang papasukin ng security dahil naiwan niya ata yung invitation card niya. So I helped her." "Is that true?" Baling ng boss niya sa kanya. Nahihiya siyang tumango. "By the way, Nice meeting you. I'm Dave Monterde Ismael, Darwin's cousin." Sabay lahad ng kamay na agad niyang tinaggap. "Thank you po sa pagtulong sa ‘kin kanina." "Not a problem, Okay. See you around." At nagpaalam na ito sa kanya. Nang akmang babatiin na niya ang boss niya, biglang may kumausap dito at hinila ito sa kung saan. Inikot niya ang paningin sa paligid pero tila siya lang ang nag iisang taong hindi nababagay rito. Nakikita niya ang mga may pandidiring tingin ng mga tao sa itsura niya. Naglakad-lakad siya papunta sa madilim na parte ng party at napag alamang nasa may bar area siya. "Hoy! Lara, here!" Kaway ng isang babae sa kanya Nakilala niya na si Janice pala ito. Lumapit siya dito at nakita ang mga pamilyar na tao na kasama nito. Mga kapwa niya empleyado din sa kumpanya. "Bakit ngayon ka lang? Here, drink this." Sabay abot sa kanya ng maliit na baso at manipis na hiwa ng lemon. "Sorry, Janice. Pero hindi kasi ako umiinom," tanggi niya dito sabay wagwag ng kamay "Hoy, Lara. Bawal ang KJ dito." At kinuha ang kamay niya at ibinigay ang tequila sa kanya Wala siyang nagawa kun’di lagukin ito. Hinila siya nito at pinaupo sa tabi nito. Nakakailan na rin siya ng makaramdam ng pagkahilo. "Teka lang Janice. Pupunta lang ako ng restroom" At dahang dahan tumayo parang umiikot na rin ang paligid niya. Dahil sa pagkahilo ay hindi niya namalayan na nakasalubong niya ang isang babaeng may dalang pagkain at nabangga ito. Dahilan para matumba siya at tumilapon sa kanya ang laman ng platong dala nito. "Ano ba?" Sigaw ng babae sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo at humingi ng tawad. "Pasensiya na po. Hindi ko sinasadya." Halos wala naman dumi ang babae. Habang siya ay parang isang pulubing tinapunan ng pagkain. Sobrang dumi ng puting damit niya. Napangisi ang babae sa kanya "Idiot nerd! Pangit na nga lalo pang pumangit! Look what you did dinumihan mo ang limited edition sandals ko. Clean it!" Nang tignan niya ang suot nito sa paa ay halos wala naman siyang makitang dumi. "Hey! Hindi mo ba ako naririnig?!" Inis na sabi nito Halos lumikha na sila ng eksena. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Dahil narin sa hiyang nararamdaman ay dahan-dahan siyang lumuhod at pinunasan ang suot nitong sandals gamit ang suot niyang palda. "What are you doing?" Sigaw ng kung sino Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang madilim na anyo ng boss niya. Chapter 5 "Get up!" At itinayo siya nito. "Sir," nahihilong sabi niya "What the heck are you doing?" Galit na tanong nito "Sorry, sir, hindi ko naman sinasadyang matapunan siya ng pagkain," kinakabahang sabi niya. Baka sisantehin siya nito. "I'm sorry po, ma'am." At akmang luluhod ng hilahin siya sa braso ng boss niya Iniakyat siya nito sa 2nd floor ng mansiyon, tingin niya ay isa itong guestroom. "Nakakahiya ka!" Galit na sabi nito "Sorry po. Hindi ko naman sinasadya" Sabay yuko "What I mean is you don't need to follow her!" At nagsalubong ang mga kilay nito. "Ayoko lang pong---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla siyang sinukin "Are you drunk?" "Konti lang po sir, uuwi na lang po ako. Pasensiya na po ulit at nasira ko ang party niyo." At humakbang na siya ng kaunti ng bigla siyang parang matutumba. Buti na lamang ay mabilis siya nitong nahawakan. Such a nerd! Dinig pa niyang sabi nito. "Magpahinga ka muna. Maligo ka ang dumi-dumi na ng damit mo. May mga damit diyan sa closet ikaw na ang bahalang pumili. Suit yourself. Walang mag-aasikaso sayo dito. Babalikan kita mamaya." At mabilis na itong lumabas. Dahil sa pagkahilo ay mabilis siya nagtungo sa banyo para maligo at mahimasmasan. May nakita siyang roba sa loob at agad isinuot pagkatapos maligo. Halos manlaki ang mga mata niya ng buksan ang closet at maghanap ng damit. Puro mga maiikling damit ang laman ng closet. Naispan niya nalang labhan ang mga damit niya hihintayin niya nalang itong matuyo itinapat niya ito sa aircon. Nakaramdaman siya ng antok kaya naisipan niya munang umidlip sandali. Pero hindi niya namalayang nakatulog na siya at nagising sa sikat ng araw na nagmumula sa siwang ng kurtina. Napatingin siya sa may pinto ng bigla itong bumukas. "Good to know---" Nabitin ang pagsasalita nito, "that you're finally awake." Sabay tikhim nito pagkatapos magsalita. Tumigil ang tingin nito sa katawan niya at nagtagal sa may hinaharap niya. Nang tignan niya ang sarili, nagulat siya ng makitang halos lumabas na ang hinaharap niya sa robang suot. Agad siyang tumayo at pinagkrus ang mga braso niya sa may hinaharap niya. Napangisi ang boss niya. "They're not even big enough to capture my attention, nerd!" "Pasensiya na po, sir. Hindi ko po sinasadyang makatulog dito." At mabilis niyang kinuha ang mga damit na isinabit niya kagabi. Pagkatapos magbihis, dali-dali niyang kinuha ang bag niya at lumabas ng kwarto. Malapit na siya sa may gate ng mansyon nang may bumusina sa likod niya. "Hop in. I'll drive you home. Not more buts," seryosong sabi nito Ayaw niya itong galitin kaya sumakay na siya. Itinuro lang niya ang inuupahang maliit na kwarto. "Sige po, sir. Salamat po. Pasensiya na ulit." Akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse nito ng hawakan siya nito sa braso. "Hindi mo man lang ba ako aayain mag-coffee? It's still early. Hindi pa ako nakapag-breakfast dahil sa paghatid ko sa ‘yo," taas-kilay na sabi nito. Inaya niya ito sa loob. Inikot ng paningin nito ang buong kwarto niya. May isang lumang sofa siya, maliit na banyo, at maliit na kama. May maliit na kusina din siya. "This place is too small," balewalang sabi nito. "Upo muna po kayo, sir." Nang umupo ito sa sofa ay biglang tumunog ito na parang may natanggal na string. "The heck!" Sabay tayo "Pasensiya na po, sir. Luma na po kasi yan. Dito na lang po kayo sa kama umupo" At itunuro ang maliit niyang kama. "How do you handle living in this kind of place?” iritableng sabi nito sabay upo sa maliit niyang kama. "Pasensiya na po kayo, sir. Etong kwarto lang po na ito ang nakayanan ng pera ko. Meron pa po akong sinusuportahang mga kapatid sa probinsiya." "Are you saying na maliit akong magpasweldo?" "Naku Sir, hindi po sa ganoon. Ang ibig kong sabihin," alalang sagot niya. "Mahal po kasi ang bilihin dito sa Maynila. Hindi katulad sa probinsiya namin. Kahit magtanim lang kami ni samuel ng gulay, nakakaraos na kami" Ngiti niya rito "And who's Samuel?" alubong na kilay na tanong nito "Kababata ko po sa probinsiya. Mabait po yun. Masipag, gwapo rin po siya at--" "I don't care," putol nito sa sasabihin niya. "I need to go. Don't be late tomorrow stupid nerd!" At tuloy-tuloy na itong lumabas. Siya na lang tuloy ang uminom sa inihanda niyang kape. Kinabukasan, nagtaka siya ng wala pa ang boss niya. Dati rati ay nauuna pa ito sa kanya. Alas-diyes na ng umaga pero hindi parin ito dumarating. Napaangat siya ng tingin ng may marinig na hagikgik ng babae. Nakita niyang may kasamang babae ang boss niya. "Good morning po, sir," bati niya rito at tumayo. Pero ni hindi siya nito pinansin o tinapunan ng tingin at tuloy-tuloy lang ang mga itong pumasok ng opisina. Biglang tumunog ang intercom. "Don't disturb me. I am in a private meeting." At pinatay na nito iyon. Alas dose na ng lumabas ang babae mula sa opisina ng boss niya. Tinignan lang siya nito ng may pandidiri at umalis. "Miss Del Castillo, we have an urgent lunch meeting with Mr. Cornejo. Let's go!" At nagpatiuna na itong maglakad. Nagmadali niyang inaayos ang mga gamit niya at lakad takbong hinabol niya ito dahil napakabilis nitong maglakad. Sa isang fine dining restaurant sila nagpunta. Halos magkasabay lang siyang nakadating ni Mr. Cornejo. Nakipagkamay ito sa boss niya at sa kanya. Pagkatapos ay ngumiti. "How are you, Miss Del Castillo?" "Ayos lang po ako, sir." At bigla siyang namula. Naalala niya ang una nilang pagkikita. Nang biglang tumikhim ang boss niya. "Let start our meeting" Habang nag-uusap, kumakain din sila. Siya naman ay focus na focus sa pagdo-document ng pinag-uusapan nila. "Oh. Before I forget, I have something to give you," sabi sa kanya ni Mr. Cornejo. "Po? Sa akin po?" At itinuro ang sarili. "Yes," ngiti nito sa kanya at may ibinigay na paperbag. Nang tignan niya ito ay isa itong cute na cute na footwear. "Naku, sir. Hindi ko po ito matatanggap. Nakakahiya po," tanggi niya. "No, I insist. Nung napadaan ako sa mall ay naalala kita. Alam ko kasing one of these days magkikita tayo. You know what, you're so cute." Ngiti nito sa kanya. At napangiti rin siya dito. Pero nang mapadako ang tingin niya sa boss niya, bigla din nawala ang mga ngiting iyon ng makitang madilim at halos magdikit ang mga kilay nito. Mag-click upang mabasa sa 👉My Se--xy Nerd Secretary
Top 2 Ad Creative of Yugto

Top 3 Ad Creative of Yugto

Basic Info of Top 3 Ad Creative
1st | 2nd | 3rd | |
Duration | 94 | 94 | 94 |
Popularity | 740 | 740 | 739 |
Dimensions | 600 x 600 | 600 x 600 | 600 x 600 |
Creative Type | Image | Image | Image |
Network | Messenger | Audience Network | Audience Network |
Related Ads | 1 | 1 | 1 |
Countries | United States,Chile,Kenya,Azerbaijan,Egypt,Bahrian,Singapore,Oman,Nigeria,Pakistan,Lebanon,Korea,Poland,Ukraine,Thailand,Israel,Mexico,Kuwait,Turkey,Qatar | United States,Kenya,Chile,Azerbaijan,Egypt,Bahrian,Singapore,Oman,Nigeria,Pakistan,Korea,Lebanon,Poland,Thailand,Ukraine,Israel,Mexico,Kuwait,Turkey,Qatar | Mexico,Saudi Arabia,Oman,Chile,Brazil,Korea,Netherlands,Russia,Kenya,New Zealand,Colombia,Indonesia,Spain,Poland,Azerbaijan,Kuwait,Ukraine,Singapore,France,Pakistan |
Language | English | English | English |
Through the above analysis, we can see that the most effective channel for Yugto in recent advertising is Messenger, and the main creative type is Image.
In conclusion: The above is a free Yugto's competitive intelligence analysis report. To do a good job of advertising, long-term accumulation is required. we need to constantly check the latest trends and competitive intelligence data. With the use of competitive intelligence tools like SocialPeta, Guangdada(Chinese version of SocialPeta), we can improve our ROI, and make competitor‘s fans ours. I hope that this ad creative analysis report will allow you to gain more.
If you want to check the relevant intelligence analysis of other apps similar to Yugto, you can click the app name below to view related reports, or you can find more info in ASOTools.